Manila, Philippines – Target ilunsad ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang 300 bagong economic zones sa bansa sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay PEZA Director Charito Plaza – maglalabas sila ng mapa ng mga lungsod at probinsya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na magiging economic zones.
Aniya, ang mga economic zones ay nakatuon sa pagpapaunlad sa mga sektor ng agro-industrial, tourism, medical, manufacturing at information technology.
Sa ngayon, nakatanggap na sila ng resolusyon mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na hihiling sa Office of the President na pabilisin ang paglalabas ng presidential proclamations para sa mga economic zones.
Sa ilalim ng republic act 7916 o special economic zone act of 1995, kailangan ang proclamation mula sa pangulo bago i-develop ang economic zone.