Umabot na sa 300 Filipino seafarers ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Germany.
Kasabay ito ng pagpapaigting pa ng German government ng roll-out ng mga bakuna kontra COVID-19.
Nasa 3.8 milyon ang kabuuang COVID-19 cases sa Germany kung saan 95 million vaccine doses ang naibakuna na.
Para ito sa 45.7 milyong katao o halos 55% ng populasyon ng Germany.
Nabatid na karamihan sa mga nagta-trabahong Pilipino ng cruise ship ay natengga sa Pilipinas dahil sa lockdowns.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa higit 42,000 Pinoy seafarers ang nai-deploy ngayong 2021 sa kabila ng pandemya.
Facebook Comments