Bilang bahagi ng cash-for-work program na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD), nagtanim ng 300 seedlings ng iba’t-ibang fruit-bearing trees sa Eco Park sa Brgy. Pugaro, Manaoag.
Sa loob ng sampung araw, tatanggap ng sahod na P505 kada araw ang 332 benepisyaryo kapalit ng pagtatanim, pagdidilig at pagbabakod sa mga punla.
Maiiwan naman sa kustodiya ng lokal na pamahalaan ang pangangalaga sa mga pananim pagkatapos ng programa.
Alinsunod ang daily wage sa umiiral na bagong wage increase na epektibo simula noong November 19.
Kabilang naman sa mga itinanim sa parke ang puno ng avocado, kasoy, langka at atis na pinili dahil sa benepisyo nito sa agrikultura.
Kinilala naman ng Department of Labor and Employment Region 1 ang dalawang layunin ng aktibidad na nakatulong sa pagbibigay ng suporta sa pangkabuhayan habang pinapangalagaan ang kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









