300 hanggang 500 provincial bus, inaasahang dadagsa ng PITX

Nasa 300 hanggang 500 provincial buses ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) simula sa Miyerkules, September 30.

Ito ay makaraang payagan na ang pagbabalik-kalsada ng mga provincial bus para sa mga taga-Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region na babiyahe papasok o palabas ng Metro Manila.

Ayon kay PITX – Corporate Affairs and Government Relations head Jason Salvador, patuloy ang ginagawa nilang paglilinis at pagdi-disinfect sa buong terminal bilang paghahanda at pag-iingat sa banta ng COVID-19.


Asahan na rin aniya ang mahigpit na pagpapatupad ng safety protocols sa terminal kaya ngayon pa lamang ay umapela na ang opisyal ng dagdag na pasensya at pang-unawa sa mga pasahero.

“Sinisigurado natin na bago pumasok ang ating mga kababayan dito sa terminal, sila po ay kailangang sumunod sa mahigpit na mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, ng face shield at bago sila pumasok dito magdi-disinfect po. At hindi lang po sa loob ng pampublikong sasakyan pinapatupad ang mahigpit na social distancing, pati po dito sa loob ng terminal,” ani Salvador sa panayam ng RMN Manila.

Facebook Comments