Naging matagumpay ang kakatapos lamang na License to Own and Possess Firearm o LTOPF Caravan na ginanap sa bayan ng Aguilar kahapon, ika-13 ng Hulyo.
Sa datos sa caravan, umabot sa tatlong daang mga indibidwal o itinuturing na mga gun owners na galing pa sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ang nagtungo upang i-avail ang mga serbisyo ng kapulisan para sa kanilang mga baril.
Nilakad ng mga gun owners ang mga dokumento ng kanilang hawak na baril sa pamamagitan ng pagrerenew at pagpaparehistro ng kanilang mga baril.
Ayon sa mga gun owners, malaking tulong ang pagkakaroon ng ganitong mga satellite caravan upang matulungan ang mga legal na gun owners.
Laking tulong din ang hindi pagpunta ng mga ito sa orihinal na lugar ng pagrerenew at pagpaparehistro ng baril ay sa San Fernando City, La Union at sa Camp Crame.
Ang naturang caravan ay pinamunuan ng Aguilar Police Station katuwang ang LGU Aguilar para sa mga gun owners sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments