300 kabahayan at iba pang mga ari-arian, lubog sa lahar mudflows sa Albay; Governor Al Francisco Bichara, nagpasaklolo na sa national government!

Nagpasaklolo na sa national government si Albay Governor Al Francis Bichara makaraang mapuruhan ang probinsya ng Bagyong Rolly.

Aabot sa 300 kabahayan sa Barangay San Francisco, Guinobatan, Albay ang natabunan ng lahar mudflows mula sa Bulkang Mayon sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Lubog din sa lahar ang ilang bahay sa Barangay Travesia.


Ayon kay Gov. Bichara, marami pang mga residente ang nananatili sa mga evacuation center.

Kailangan nila ng tulong mula sa pamahalaan lalo na sa suplay ng pagkain.

Matatandaang naantala ang rescue and relief operations sa Tiwi, Albay matapos na hindi makadaan ang mga sasakyan nito dahil sa nakahambalang na nagbagsakang puno at poste ng kuryente.

Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente at tubig sa Albay maging sa ilang bahagi ng Bicol Region.

Sa ngayon, tatlo ang napa-ulat na nasawi sa Albay habang patuloy ang search and rescue operation sa tatlong indibidwal pang nawawala.

Facebook Comments