300 mga estudyante at magulang naturuan ng tamang kaalaman sa Sanitasyon sa Rizal High School

Aabot sa tatlong-daan mga estudyante at magulang ang nabigyan ng tamang kaalaman para sa wastong sanitasyon kasabay ng World Toilet Day celebration.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Manila Water Foundation at Manila Water Company kasama si Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan i-sinagawa ito sa Rizal High School sa Pasig City.

Ayon kay Manila Water CEO Rene Almendras, layon nito na maipalaganap at maitindihan ang kahalagahan ng proper sanitation lalo na sa marginalized sector upang maiwasan ang sakit at maprotektahan ang ating kapaligiran.


Nagsagawa din ang Manila Water ng Toka Toka lecture kung saan hinikayat nito ang bawat isa na gawin ang parte nito para pangalagaan ang mga waterways sa pamamagitan ng sewer line connection, septage disludging, solid waste segregation at pagba-bahagi ng naturang adbokasiya.

Kabilang din sa naging bahagi ng programa ang UNICEF, DOH, Pasig LGUs at ilang mga pribadong kompanya.

Matatandaang unang ipinagdiriwang ang World Toilet Day, noong 2013 matapos itong ideklara ng United Nations.

Facebook Comments