Binigyan ng basic citizen military training ang 300 mga residente ng Sulu na nag-apply para mapasama sa Citizen Armed Force.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson 1Lt Jerrica Angela Manongdo, magtatagal hanggang December 14, 2021 ang 45 araw na basic citizen military training.
Sinabi naman ni LTC Andres Soriano, Commanding Officer ng Army Reserve Command (ARESCOM)’s 906th Community Defence Center, itinuturo sa 300 mga nag-apply ang disaster response, moral virtues, patriotism at discipline.
Ito aniya ay magagamit ng mga ito para makatulong sa militar sa pagsasagawa ng socio-economic development.
Nagsimula ang training nitong November 2 sa Barangay Liang, Patikul, Sulu.
Facebook Comments