300 NA JETMATIC PUMPS, HATID SA MGA BARANGAY SA BAYAN NG MANGALDAN

Hatid ang nasa tatlong daang jetmatic water pumps ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Mangaldan.
Napamahagian na ang mga Barangay ng Amansabina, Buenlag, Banaoang at Guilig, at Salay, Talogtog at Bantayan.
Ayon naman sa Community Affairs Office, umabot sa 200 Jetmatic Pumps ang nauna nang naibigay noong Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2023 habang ngayong ay nasa tatlong daan naman.

Maaari namang magrequest ang mga residente ng bagong water pumps. Kinakailangan lamang maibigay ng petition letter at mga larawan o patunay na lumang Jetmatic Pump. |ifmnews
Facebook Comments