300 pamilya, apektado ng nangyaring sunog sa Sampaloc, Maynila

Nasa halos 100 bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa Sulukan Street, Brgy. 458 Zone 45 Sampaloc, Maynila.

Ito’y ayon kay Fire Sr. Insp. Alejandro Ramos ng BFP-Manila kung saan nasa 300 pamilya ang apektado ng sunog.

Nagsimula ang insidente ng alas-5:06 ng umaga na inabot ng ika-apat na alarma.


Alas-8:08 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog kung saan naging pahirapan ang pag-apula dahil dikit-dikit ang bahay at gawa sa mga light materials.

Sinabi pa ni Ramos na isang babae ang dinala sa ospital matapos masugatan nang tumalon sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Base sa imbestigasyon, napaulat na nagsimula ang sunog sa isang bahay na naiwan ang nakasinding kandila dahil walng kuryente.

Hindi pa naman matukoy kung magkano ang halaga ng mga ari-arian ang natupok habang ang mga residente ay nananatili pa rin sa gilid ng kalsada.

Facebook Comments