300 Pamilya, Hinatiran ng Tulong sa ginawang Community Outreach Program ng PRO2

Cauayan City, Isabela- Tatlong daang pamilya kabilang ang 150 bata ang hinatiran ng tulong nang magsagawa ng Community Outreach Program ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ng Police Regional Office 2 sa Core Shelter, Barangay Centro Tres, Lasam, Cagayan kahapon, June 16, 2022.

Nagsagawa ng feeding program ang mga awtoridad kung saan, nakatanggap rin ang mga benepisyaryo ng food packs, hygiene kits at tsinelas para sa mga bata.

Paalala ng pulisya sa mga magulang na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak at gabayan upang hindi mapariwara at maging biktima ng anumang pang aabuso at banta ng terorismo.

Ang Community Outreach Program ng PRO2 ay tuloy-tuloy na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Dos na naglalayong tulungan ang mga mamamayan na naapektuhan ng pandemya lalo na sa mga naninirahan sa malalayong lugar na kailangan ng serbisyo at tulong mula sa pamahalaan.

Facebook Comments