Umabot sa tatlong daang residente ng Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal na sinalanta ng Bagyong Ulysses ang napagkalooban ng tulong ng Oplan Tabang Disaster Relief Operation – DZXL Paskolubong 2020.
Kabilang sa natanggap ng mga ito ang bigas, kape, asukal, sardinas, meat loaf, noodles, bath soap, face mask, alcohol at inuming tubig.
Nagkaroon din ng pagkakataong makaharap ng personal ng mga taga-Balite ang mga hinahangaang anchorman ng DZXL 558 mula sa DZXL Express at Straight to The Point (STP).
Nakiisa rin sa Oplan Tabang ang hosts ng programang Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) na sina Dyosa Yan, Kuya Glenny at Vlogger Ems.
Naging katuwang ng DZXL 558 Radyo Trabaho team sa proyektong ito ang RMN Foundation, Metrobank Foundation team at GT Foundation team.
Pinasalamatan naman ni DZXL 558 Station Manager Buddy Oberas ang mainit na pagtanggap ng mga residente sa Radyo Trabaho team at sa partners nito upang maging matagumpay ang nasabing proyekto.
Ang isinagawang Oplan Tabang Disaster Relief Operation – DZXL Paskolubong 2020 ay mahigpit na sumunod sa umiiral na health and safety protocols ng pamahalaan tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.