300 pang mga Pinoy mula Sudan, nakatakda na ring dumating sa Egypt

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 300 pang mga Pilipino mula sa Sudan ang nakatakda na ring dumating sa Egypt.

Ito ay bukod pa sa 51 Pinoy evacuees na inilikas ng DFA sa Egypt.

Kinumpirma naman ni Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza na nadagdagan na rin ang mga bus na maghahatid sa mga ililikas na Pinoy matapos na maipit sa kaguluhan sa Sudan.


Sa ngayon, halos 800 na mga Pinoy sa Sudan ang humihiling ng paglilikas.

Facebook Comments