Mahigit 300 participants ang kailangan para sa clinical trial ng gobyerno sa melatonin bilang supplementary treatment para sa COVID-19.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na posibleng matagalan ang pagsasagawa ng trial dahil sa dami ng kinakailangang participants.
Aniya, ang mga pasyenteng may severe case ng COVID-19 na nabigyan ng melatonin ay naobserbahang nagkakaroon ng improvement o hindi sila masyadong lumalala sa puntong kailangan silang i-intubate.
Una rito, sinabi ng DOST na naglaan sila ng P9.8 million na pondo para sa nasabing trial na ipinanukala ng Manila Doctors Hospital.
Facebook Comments