300 Pinoy, nailikas na mula sa Sudan

Mahigit 300 Pilipino na ang nailikas mula sa nagpapatuloy na gulo sa Sudan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, Miyerkules ng umaga (oras sa Sudan), nasa pitong bus lulan ang mga repatriate ang papunta na sa Egypt.

Ang nasabing bilang ay karagdagan sa 50 Pilipino na una nang nailikas noong Martes.


Hamon naman sa paglilikas ang mahabang proseso sa border ng Egypt na inaabot ng isang araw.

Samantala, nasangkot naman sa car accident sina Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago at Vice Consul Bojer Capati habang nagmamadaling makarating sa border ng Sudan at Egypt upang tulungang makatawid doon ang mga paparating na Pilipino.

Ayon kay De Vega, ligtas na ang dalawang diplomat.

Facebook Comments