Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAj. Fedimer Quitevis, ang Acting Chief ng Community Affairs Development Unit, mahigpit ang kanilang gagawing pagbabantay sa sitwasyon ng Undas para masigurong mapapanatili ang kapayapaan sa buong lungsod.
Katuwang rin aniya ng kapulisan ang iba’t ibang grupo sa lungsod na tutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa araw ng Undas.
Samantala, magpapatupad rin ang kapulisan ng minimum health protocol kung kinakailangan bagama’t una nang ipinag-utos ni Malakanyang ang boluntaryong pagsusuot ng face mask outdoor at indoor.
Hinimok naman ng kapulisan ang mga senior citizen na sana ay manatili pa rin na magsuot ng face mask ang mga ito upang maiwasan ang banta ng COVID-19.
Bukod pa dito, hindi naman inaalis ng pulisya ang sitwasyon na maaaring arestuhin ang mga indibidwal na makukumpiskahan ng mga ipinagbabawal na gamit gaya ng patalim at posibleng maharap sa karampatang parusa sa ilalim ng batas.
Hinimok naman ni PMAJ. Quitevis ang publiko na sundin ang mga polisiya na kanilang ipapatupad upang maiwasan na maabala pa.