300 public schools, handa para sa pilot testing ng limited face-to-face classes

Nakahanda na ang 300 pampublikong paaralan sa buong bansa para sa pilot testing ng limited face-to-face classes.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi lahat ng paaralan sa bansa ay makakasama sa pilot testing at hindi kinakailangan sa lahat ng rehiyon gawin ito.

Aniya, mula sa 1,900 paaralan ay binawasan ito sa 300 para masiguro na maipatutupad ng maayos ang pilot testing sa sandaling aprubahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH).


Paliwanang ni Briones, kabilang sa kanilang ikinonsidera para makasama sa pilot testing ang kahandaan ng school facilities, pag-apruba ng Local Government Units (LGUs), consent ng magulang at transportasyon mga mag-aaral.

Una nang inaprubahan ng pangulo ang pagbabalik sa ekswelahan ng mga mag-aaral pero kinansela dahil sa pagpasok ng COVID variants sa bansa.

Facebook Comments