300 pulis BARMM idineploy sa Cotabato City

Ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Manuel Manalo Abu ay nag-deploy ng 300 PNP Personnel dito sa Cotabato City upang sumuporta sa police operations laban sa COVID 19.

Ang tropa ng PRO BAR ang mangangasiwa sa quarantine checkpoints sa key entry at exit points ng Cotabato City.Naatasan din ang mga ito na magbigay ng seguridad sa Cotabato City .

Sa Sendoff Ceremony na isinagawa sa Regional Headquarter ng PRO Bangsamoro Autonomous Region, muling inihayag ni PRO BAR Chief of Staff Police Colonel Pablo Labra II ang kanilang commitment na magbibigay ng suporta sa Local Government Units sa pagpapatupad ng Quarantine Procedures at aasiste sa Health Department sa implimenstasyon ng preventive guidelines at mga polisiya na itinakda ng Inter Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases sa laban kontra coronavirus disease 2019.


Facebook Comments