300 SAKO NG BINHI NG HYBRID RICE, IPINAMAHAGI SA APAT NA PROBINSYA

Umabot sa 300 sako ng binhi ng palay na Meztiso20 ang ipinamahagi sa mga magsasaka mula sa Diffun, Quirino; San Mariano, Isabela; San Isidro, Isabela; Luna, Apayao; La Paz; at Abra.

Ang Meztiso20 ay isang uri ng hybrid rice na pinag-aralan at pinarami ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at ng University of the Philippines sa Los Banos.

Isa sa mga katangian ng nabanggit na hybrid rice ay napapataas nito ang ani ng mga magsasaka at ang Meztiso20 ay hindi rin umano madaling kapitan ng peste kung kaya’y ligtas ito sa mga posibleng sakit na dulot ng mga insekto.

Samantala, ayon sa PhilRice, napatunayan umano na epektibo ang paggamit ng naturang hybrid rice na kung saan ay mas tumaas ang naani ng mga benepisyaryong magsasaka na gumamit ng Hybrid Rice.

Facebook Comments