Tumatanggap ng muli ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng mga scholars mula sa iba’t-ibang bayan at siyudad ng lalawigan.
Nasa 300 slots ng scholarship ang inilaan para sa mga Pangasinense sa ilalim ng Programang Provincial Scholarship Program ng ahensya para sa panuruang 2022-2023 na isang financial program na ibinibigay sa mga deserving college students na kapos sa buhay.
Sa inilabas na kwalipikasyon ng ahensya, kinakailangan na ang mag-aaral ay graduating senior high school at may general weighted average na 88% pataas, miyembro ng 4P’s, at may isang taon ng naninirahan sa Pangasinan maliban sa Dagupan City, may certificate of eligibility o ang PSP form 2.
Samantala, sa kabuang 300 slots, 210 dito ay ibibigay para sa mga incoming first year college students na pasok ang kanilang GWA sa sa naturang criteria. | ifmnews
Facebook Comments