Nagsipagtapos na ang nasa 300 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Scholars mula sa bayan ng Asingan.
Ilan lamang sa mga kursong kinuha ng mga naabing iskolar sa bayan ang Electrical Installation and Maintenance NC II, Construction Painting NC II, Process Food by salting, curing and smoking leading to (Food Processing II) at Produce Organic Concoctions and Extract Leading to (Organic Agriculture Production NC II kung saan ayon kay Jess Salagubang, ang Vocational School Administrator III ng TESDA LMMSAT (Luciano Millan Memorial School of Arts and Trade) ay ngayon lang umano natapos ang mga ito sa kinuha nilang mga kurso dahil sa dulot ng pandemyang COVID-19 dahilan para hindi makalabas ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan upang pumasok.
Dumalo sa nasabing graduation ang mga kinatawan ng TESDA Pangasinan Provincial sa pamumuno ni Provincial Director Emely Tesoro at mga kawani ng Lokal na pamahalaan ng Asingan.
Layunin ng programang ito upang tulungan ang mga residente na makapag-hanapbuhay sa pamamagitan ng pagkuha sa mga kursong inilunsad ng ahensya.|ifmnews
Facebook Comments