Manila, Philippines – Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang plantasyon ng fully grown marijuana sa Kalinga.
Wala namang naaresto sa isinagawang operasyon , pero nasa ,1,500 na fully grown marijuana na may kabuuang halaga na 300,000 pesos ang sinira sa may 500 square meters na plantasyon sa mabundok na lugar sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga .
Nanguna sa pagsira ng pananim na marijuana ang team ng PDEA Regional Office Cordillera Administrative Region sa ilalim ni Director Edgar Apalla .
Naging katuwang nito ang Kalinga Provincial Police Mobile Force Company.
Facebook Comments