Brgy. Katiko, President Quirino, Sultan Kudarat-Naglaan ng 300 Thousand Pesos na pabuya ang Provincial Government ng Sultan Kudarat at Local Government ng President Quirino sa makapagtuturo sa mga responsable sa pamamaslang sa mamahayag na si Leo Diaz.
Dalawang daang libong piso mula sa Sultan Kudarat Government ayon pa kay Governor Pax Mangudadatu habang 100 libong piso mula sa tanggapan ni President Quirino Mayor Azel Valenzuela Mangudadatu.
Layun nito ay upang mapabilis ang pagkakaresolba sa kaso ni Diaz, dagdag ni Governor Mangudadatu kasabay ng kanyang pagbisita kahapon sa burol ng kulumnistang pinatay.
Kaugnay nito, patuloy na sumisigaw ng hustisya ang buong pamilya ng biktima kasabay ng panawagan kay Presidente Rody Duterte na naway mabigyan pansin ang brutal na sinapit ni Diaz.
Inulila ng 60 year old na si Diaz ang kanyang 5 anak at asawang si Rose.
Si Diaz ay dating Pulis bago pumasok bilang kulumnista ng Sapol News Paper. Anak rin ito ng dating Alklade at Konsehal ng President Quirino.
Nakatakdang ihahatid sa kanyang huling hantungan si Diaz sa August 17. (DENNIS ARCON)
300 Thousand Reward inilaan para sa mga pumaslang sa reporter na si Leo Diaz
Facebook Comments