Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Department of Agriculture (DA) Inspectorate and Enforcement Office at Bureau of Customs ang isang illegal warehouse sa Navotas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakumpiska rito ang 300 toneladang mga gulay na kinabibilangan ng mga sibuyas at carrots.
Nakapaloob ang mga ito sa dalawang cold storage facilities.
Tinatayang abot sa P21.2 million ang halaga ng mga puting sibuyas habang nasa P13.48 million naman ang mga carrots.
Bukod dito, may mahigit 300 kilo rin ng mga kamatis at sampung kilo ng mushrooms ang nakumpiska.
May nakahiwalay rin na isang 40-footer container van na naglalaman ng mahigit 90 tonelada ring puting sibuyas
Sinabi ni Secretary Laurel na ang operasyon ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na lansagin ang mga smuggler na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at ibang negosyante.