300 Workers mula sa Construction Firms, Binakunahan sa City of Ilagan

Cauayan City,Isabela- Umaabot sa kabuuang 300 workers mula sa construction firms sa City of Ilagan ang binakunahan sa unang dose kamakailan bilang bahagi ng government ‘Reform, Rebound, and Recover: One Million Jobs for 2021’ project.

Hinikayat naman ni Regional Director Joel M. Gonzales ang mga construction firm na irehistro ang kanilang mga manggagawa sa field office ng DOLE sa kanilang mga probinsya para sila ay ma-inoculate.

Dagdag ni RD Gonzales na dapat makiisa ang lahat sa hangarin ng pamahalaan para sa mas ligtas na kalusugan mula sa COVID-19 virus, makalikha ng mas maraming trabaho at tulungan na makabangon ang ekonomiya.


Para sa mga interesadong kumpanya,maaaring irehistro ang kanilang mga empleyado sa pamamagitan: DOLE-Cagayan-Batanes Field Office – 09178199593, DOLE-Isabela Field Office – 09270165277, DOLE-Quirino Field Office – 09951345430, DOLE-Nueva Vizcaya Field Office – 09615326269.

Facebook Comments