3,000 COVID-19 test kits, i-do-donate ng Singapore sa Pilipinas

151

Mag-do-donate ng 3,000 COVID-19 test kits sa bansa ang Singapore.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., maliban sa test kits, magbibigay din ang Singapore ng isang thermal cycler o PCR machine na magagamit para sa scientific research and diagnostic medicine.


Kamakailan lang nang mag-donate ang China ng 100,000 test kits sa bansa habang nagpaabot ng 2.7-million dollars o P139-milyong piso ang amerika para suportahan ang pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19.

Facebook Comments