3,000 doses ng Sputnik V na galing sa Russia, dumating na sa Sta. Ana Hospital

Photo Courtesy: Isko Moreno Domagoso Facebook Page

Tinanggap na mismo ni Manila Mayor ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Dr. Maria Sheilah Lacuna-Pangan ang 3,000 doses ng Sputnik V na galing ng Russia.

Ayon kay Mayor Isko, para ito sa anim na district hospital sa lungsod.

Paliwanag ng alkalde prayoridad pa rin na maturukan ang mga medical frontliners na hindi pa nagpapabakuna.


Agad nakipag-ugnayan si Mayor Isko kay Manila Health Department Chief Dr. Arnold Pangan para alamin kung ilang mga health workers pa ang hindi nababakunahan dahil ang matitira ay ibibigay sa mga senior citizen at person with comorbidities o may sakit.

Ang 3,000 doses ng Sputnik V ay bahagi ng alokasyon ng City of Manila sa huling dumating ng anti-COVID vaccine mula sa Russia.

Facebook Comments