Natanggap na ng Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa ang 3,000 doses ng COVID-19 vaccine na Sputnik V mula sa Russia bilang bahagi ng pilot run.
Sinalubong ni Muntinlupa City Health Office Acting Chief Dr. Juancho Bunyi ang mga bakuna na gagamitin sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang at Ospital ng Muntinlupa.
Ang mga naturang pagamutan ay may pasilidad na makakapag-imbak ng Sputnik V sa required temperature nito na -18 degrees centigrade.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, malaking tulong ang dumating na suplay lalo’t nasa second dose na sila ng pagbabakuna sa A1, A2 at A3 priority groups.
Sa datos ng lungsod noong April 28, umabot na sa 832 residente ang nakatanggap ng second dose ng bakuna.
Nasa 22,960 individuals naman ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.