Inirekomenda ni Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na gamitin ang 3,000 hectares na lupain para sa mga proyektong pabahay ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).
Ang tatlong libong ektaryang lupain ay matatagpuan sa Metro Manila na pag-aari ng mga government centers sa Quezon City.
Sa ilalim ng bagong departamento, maaaring gamitin ang mga bakanteng lupain na pagmamay-ari ng gobyerno para gamitin sa socialized housing.
Nagbabala ang kongresista na posibleng lumobo sa 6.8 Million na mga Pilipino ang mangangailangan ng pabahay bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Aabot naman ng isang milyong units ang dapat na maitayo kada taon para matugunan ang housing backlog sa bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 1,234.85 hectare na government-owned land ang okupado ng mga informal settlers habang nasa 2,185 hectare ang bakanteng lupa na pwedeng gamitin para sa housing programs ng pamahalaan.