3,000 hektarya, ni-reclaim ng China sa bahagi ng WPS

Umaabot na ng 3,000 hectares ang na-reclaim ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Trinidad, kabilang sa mga na-reclaim ng China ang Mischief Reef at Johnson reef at maging ang Subi reef na nasa labas ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.


Dito nagtayo ng major bases ang China.

Sa kabila ng nasa labas ng EEZ ang Subi, iligal pa rin daw ang reclamation na ginawa roon ng China.

Sabi ni Trinidad, itinuturing nang invasion ang reclamation ng China na nagsimula pa noong 1992.

Facebook Comments