Manila, Philippines – Nasa 3000 MMDA Traffic enforcers ang itatalaga para magsaayos ng daloy ng trapiko bilang paghahanda sa papalapit na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Ayon kay Emmanuel Miro, Head Operations ng Task Force MMDA ASEAN, asahan nang makakita ng mga tauhan ng MMDA kada 800 metro.
Sila ang magpapatupad ng special traffic protocol tulad ng pagpapatigil sa daloy ng traffic kapag dadaan ang mga delegado ng ASEAN convoy,
Mamamduhan din ng mga tauhan ng MMDA ang mga pedestrian dahil pansamantala din silang patitigilin kapag dumaan na ang convoy.
Samantala, kanselado rin ang bakasyon o leave ng mga kawani ng MMDA hanggang matapos ang ASEAN Summit.
Facebook Comments