
Nasa tatlong libong pulis ang ipapakalat ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa nalalapit na halalan.
Sa meet the press weekly forum sa National Press Club kanina, sinabi ni MPD Spokesperson Major Philipp Ines na ipapakalat ito sa lungsod upang matiyak sa seguridad sa eleksyon sa May 12.
Ayon kay Ines, hindi lamang sa mga polling precincts ang magiging areas of concern nila kaugnay sa halalan.
Sa ngayon, may nakalatag nang security plan ang MPD at magkakaroon din ng multi-agency coordinating center kung saan naka-monitor sa mga magiging insidente sa buong Maynila.
Facebook Comments









