3,000 tsuper, nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine ayon sa DOTr

Umabot ng 3,000 na mga tsuper ang na bakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine matapos isinagawang vaccination drive ng Department of Transportation (DOTr) para sa driver at iba pang transport works.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade ang nasabing programa ay alinsunod at patuloy na umaarangkada na Tsuperhero: Kasangga sa Resbakuna, ang vaccination drive program para sa transport workers..

Aniya, layunin nito na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga transport worker ng bansa.


Giit ni Tugade, bawal ang walk-in kaya kung nais mapasama sa kanilang vaccination program, dapat ihanda ng mga operator ang mga kailangang dokumento.

Aniya, isumite sa dotrvax@gmail.com ang kanilang master list, kasama ang ruta at iba pang mahahalagang impormasyon tulad ng contact details.

Kung ang tsuper at iba pang transport workers na hindi kasapi sa isang organisasyon, kailangan lang aniya magtungo sa mga health desk na makikita sa mga venue ng bakunahan ng DOTr upang maisama sa kanilang listahan.

Facebook Comments