Aabot sa 3,000 jeepney driver sa Pangasinan ang target sa isasagawang validation para sa fuel subsidy.
Bahagi ito ng programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maibsan ang pasanin ng mga tsuper at operators sa lalawigan.
Sa isang eksklusibong panayam ng iFM News Dagupan kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, inihayag niyang magsisimula ang validation ng mga requirements ng mga benepisyaryo mula Mayo 26 hanggang Mayo 28.
Aniya, personal niyang hiniling sa LTFRB Region 1 na ilapit ang validation site upang hindi na kailangang bumiyahe pa ang mga tsuper papuntang La Union. Kaya naman sa Dagupan City National High School na isasagawa ang proseso.
Ipinaliwanag pa ni Tuliao na ang mga modernized jeepney drivers ay makatatanggap ng P10,000, habang P5,000 naman para sa mga traditional jeepney drivers.
Isang malaking ginhawa naman umano ito sa mga tsuper na araw-araw humaharap sa epekto ng taas-presyo sa langis at iba pang pangunahing bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments