Posible na ang 30,000 bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.
Batay sa tala ng OCTA Research Group, maaari na itong maitala sa katapusan ng Setyembre.
Ito ay matapos tumaas sa 14% ang average growth rate o bilis ng pagdami ng mga kaso na nangangahulugang kada linggo ay tumataas nang 14% ang mga kaso.
Nasa 20,000 naman ang average na bilang ng mga nagkakasakit kada araw.
Samantala, maliban sa naitalang record high na 26,303 daily new cases nitong sabado ay naitala rin ang all-time high na 9,061 bagong kaso sa National Capital Region (NCR).
Sa Metro Manila, nasa 77 porsiyento nang ginagamit ang mga kama sa intensive care unit (ICU) at maraming ospital na ang nagdeklara ng full capacity at hindi na kayang tumanggap ng bagong pasyente.
Facebook Comments