Posibleng sa darating na linggo ay sumampa na sa 30,000 ang maitalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw.
Base ito sa pagtaya ng OCTA Reasearch Team.
Pero ayon kay OCTA fellow Guido David, hindi naman nila nakikitang aabot sa 43,000 ang daily new cases sa Metro Manila lamang.
Pero sakali aniyang tumaas sa 43,000, aabot sa 300 ang average daily attact rate (ADAR) na mas malala pa sa naranasa ng India at Indonesia.
Kung ganito kataas ang kaso, marami ang mamamatay.
Kasalukuyang nasa 1.32 ang reproduction numer sa buong bansa pero tumaas sa 1.41 ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR.
Nasa 27% hanggang 28% naman ang positivity rate sa bansa o ang bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 test habang 25% sa NCR.
Samantala, inaasahang bababa ang kaso sa Metro Manila sa ikalawa o ikatlong linggo ng Setyembre.