30,000 testing capacity, target bago matapos ang kasalukuyang buwan

Positibo ang pamahalaan na makakamit nila ang mas malawak na testing capacity para sa COVID-19.

Ayon kay Deputy Chief Implementer of the National Policy Against COVID-19 Vince Dizon, sa ngayon ay mayroon na tayong 22 testing laboratories sa bansa at mayroon pang karagdagang 56 na testing laboratories ang sumasailalim sa pagsusuri bago tuluyang mabigyan ng akreditasyon.

Sinabi ni Dizon na kumpyansa silang bago matapos ang buwan ng Mayo ay aabot na sa 78 ang testing laboratories sa buong bansa na mayroong 30,000 testing capacity kada araw.


Sa ngayon aniya ang testing laboratory ng Philippine Red Cross ang pinaka malaking testing facility sa bansa kung saan base sa pakikipag ugnayan nila kay PRC Chairman Senator Richard Gordon ay magtatayo pa sila ng testing lab sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Paliwanag ni Dizon na 3T o Test Trace Treat Czar na sa pamamagitan ng malawak na testing ay makokontrol ang paglaganap ng virus.

Facebook Comments