30,000 volunteers, nag-sign up na para sa 3-day national vaccination drive

63

30,000 volunteers, nag-sign up na para sa 3-day national vaccination driveNasa 30,000 volunteers na ang nag-sign up sa Department of Health (DOH) para sa National Vaccination Days na magsisimula na sa bukas, Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Pero ayon kay DOH Health Promotion Bureau/ Disease Prevention and Control Bureau Director Dr. Beverly Ho, malayo pa ito sa target na 160,000 volunteers.

Kasabay nito, nilinaw ni Ho na hindi naman kailangan ng medical background para makapag-volunteer.


Katunayan, kailangan din nila ng mga educator para magsilbing encoders at makakatuwang ng DOH sa pagre-register at pag-o-orient sa mga magpapabakuna.

Samantala, ayon sa National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center, magkakaroon pa ulit ng isang round ng three-day vaccination drive na gaganapin sa December 15 hanggang 17.

Paliwanag ng NTF at NVOC, layon ng “Bayanihan Bakunahan” sa November 29 hanggang December 1 na mapataas sa 70% ang bilang ng mga Pilipinong mababakunahan ng first dose habang sa December 15 hanggang 17 ang second dose.



Ito ay para maabot ng gobyerno ang target nitong 54 million fully vaccinated Filipinos pagsapit ng katapusan ng taon.

Facebook Comments