300,000 benepisyaryo ng Walang Gutom Program, naitala ng DSWD sa taong 2024

Pumalo ng 300,000 na mga benepisyaryo para sa taong 2024 ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang Walang Gutom Program.

Ito ay katumbas ng 100% na target beneficiaries ng ahensya.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang programang ito ay isa sa tatapos sa problema ng kagutuman kung saan ito ang iiwang pamana ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hanggang sa ito’y bumaba sa puwesto sa 2028.


Samantala, ang pilot service ng WGP ay nakapagtala naman ng 2,000 benepisyaryo sa buong bansa at naging pamantayan din sa pagpapaunlad ng programa.

Nais ni DSWD Secretary Gatchalian na doblehin pa ang bilang ng mga benepisyaryo ng WGP o katumbas ng 600,000 ngayong taon.

Facebook Comments