300,000 dose ng COVID-19 vaccine, ibibigay ng China sa UN Peacekeeping Troops

Inihayag ng China na magbibigay sila ng 300,000 doses ng COVID-19 vaccines sa United Nation Peacekeeping Troops.

Ayon kay China’s Ambassador to the UN Zhang Jun, layon nitong protektahan mula sa COVID-19 ang mga peacekeepers na naka-deploy sa Africa.

Ang nasabing bilang ay madadagdag 200,000 doses ng bakuna na ibibigay din ng India para sa 100,000 sundalo at police officers.


Sa ngayon, hindi pa binabanggit ng mga nasabing bansa kung anong klase ng bakuna ang kanilang ipapamahagi.

Facebook Comments