300,000 na menor de edad, target mabakunahan sa lungsod ng Quezon

Target ng Quezon City na mabakunahan ang 300,000 na menor de edad sa lungsod.

Kasunod ito ng pag-abot sa 1.7 milyon adults na nabakunahan sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, dagdag ito sa proteksyon kasabay ng unti-unting paglabas ng kabataan at inaasahang pagbalik ng face-to-face classes.


Sa ngayon, 34,476 na ang bakunadong menor de edad sa QC at inaasahang magtutuloy-tuloy hanggang sa maabot ang 300,000 na target

Sa may comorbidities na nakakuha ng schedule ay nakatakda silang bakunahan ngayong araw sa Providence Hospital, East Avenue Medical Center, Delos Santos Medical Center, FEU-NRF Hospital, FY Manalo Hospital.

Sa menor de edad na walang comorbidities naman ay sa SM North, Eastwood Rickmonde, Eton Centris Elements at Robinson Magnolia.

Magdala ng patunay ng relasyon ng bata sa guardian tulad ng birth certicate, valid ID tulad ng passport habang para sa minor with comorbidities, dalhin ang medical certificate na pirmado ng inyong doktor sa araw ng pagpapabakuna.

Facebook Comments