300k na halaga ng Livelihood Kits, Ipinagkaloob ng PSWDO Cagayan sa Former Rebels

Cauayan City, Isabela- Kabuuang P300,000 na halaga ng livelihood assistance ang ipinagkaloob sa labing-limang (15) former rebel kahapon July 15, 2022 sa Provincial Capitol, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa report ng 5ID Philippine Army, nakatanggap ng tig-20,000 pesos ang nasabing bilang ng former rebels mula sa Cagayan Provincial Social Welfare Development Office sa tulong ng 17th Infantry Battalion and PNP.

Labis naman ang pasasalamat ni alyas Rodel sa Provincial Government ng Cagayan, PSWDO, PNP at sa kasundaluhan ng 17IB sa tulong na kanyang natanggap.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si 17IB Commander LTC. Oliver Logan sa PLGU Cagayan sa suporta sa kampanya na wakasan ang local communist armed conflict.

Maliban sa livelihood kits, tutugunan rin ng PSWDO ang usapin ng trabaho ng former rebels sa Cagayan Provincial Capitol sa ilalim ng Cagayan Employment Assistance Program.

Patuloy naman na hinihimok ni LTC. Logan ang natitira pang mga miyembro at supporters ng komunistang grupo na magbalik loob sa pamahalaan para mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP)

Facebook Comments