302 NA KASO NG HIV SA PANGASINAN, NAITALA

Patuloy na nararanasan ang mataas na pagkakatala ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa datos na ibinahagi ni Health Education Promotion Officer (HEPO) ng Pangasinan Provincial Health Office Nurse 1 Junalen Cabangon, mula 180 noong 2019 halos dumoble ang kanilang naitalang may HIV sa lalawigan sa kanilang huling datos noong 2023 na nasa 302.

Sa nasabing bilang, 285 ang kalalakihan habang 17 naman ang kababaihan.

Ayon kay Cabangon, naging maalam na ang mga tao sa pagpapatest kung kaya’t mas marami ang naitatalang indibidwal na may HIV.

Aniya pa, karamihan sa naitala ay mula sa edad 25-34.

Aniya, high risk umano ang mga MSMs o ang mga men having sex with men na sinusundan ng mga kabataang nakikipagtalik na walang proteksyon maging ng mga individuals having sex with multiple partners.

Patuloy naman ang panghihikayat ng health authorities na magpa test upang malaman kung positibo sa naturang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments