Mga naipasang batas, ibinida ng Senado kasabay ng pag-adjourn ng session para sa kapaskuhan

Nag-adjourn na ang session ng Senado para sa kapaskuhan at muling magbabalik sa January 20, 2020.

 

Sa pagsisimula ng 18th Congress nitong July 22 hanggang December 18 ay ipinagmalaki ng liderato ng Senado na sila ay naging produktibo at nakapagpasa ng mahalaga mga panukalang batas.

 

Pangunahing tinukoy ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagpasa sa 2020 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P4.1 trillion.


 

Binanggit din ni Zubiri ang pagpasa sa panukalang nagpapaliban sa barangay at sangguniang kabataan elections sa ‪December 5, 2022 at ang panukalang batas na nagtatatag sa Malasakit Center Act.

 

Kasama din aniya ang pagpasa nila sa third and final reading ng national day of remembrance for road crash victims act, night shift differential pay, national transportation safety board act, fixing the validity period of the license to own, permit to carry and registration of firearms.

 

Gayundin ang pagpasa sa salary standardization law 5, establishment of separate facilities for prisoners convicted of heinous crimes at increasing the  excise tax on alcohol, heated tobacco and vapor products.

Facebook Comments