304K HALAGA NG SHABU, NASABAT SA ISANG LALAKI SA LINGAYEN, PANGASINAN

Nasabat ng awtoridad ang nasa 304,000 pesos na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Lingayen, Pangasinan.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang 32 anyos na lalaki at itinuturing bilang isang high value individual.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 50 gramo ng shabu at iba pang ebidensyang masusi ring inilagak sa imbemtaryo.

Nagbigay katiyakan naman ang Police Regional Office 1 sa patuloy na pagtugis sa mga nagpapakalat ng iligal na droga sa rehiyon at kampanya kontra iligal droga para sa proteksyon at kaligtasan ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments