31-anyos na humingi ng tulong para magka-trabaho sa DZXL Radyo Trabaho, big time na!

Isang 31-anyos na binata ang nangangarap na mangibang bansa ang pinili na manatili na lang sa Pilipinas.

Ito ay sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho Mini Job Fair dahil isa si Jasyon Encinares na taga Morong, Rizal ang mapalad na nahired-on the spot noong March 25.

Kwento ni Jayson, ang kanyang ina ang masugid na taga-pakinig ng DZXL 558 na humikayat sa kanya na subukan na magpatulong sa DZXL Radyo Trabaho.


Hindi naman nabigo si Jayson dahil matapos ma-hire ng Citi Global Realty Development, Inc. bilang sales associate ay agad siyang nagsimula sa trabaho kinabukasan.

Simula noon ay naging abala na siya sa iba’t-ibang commitment at ngayon ay magkakalahating taon na si Jayson sa Citi Global at nakabenta na rin ng mahigit 21 million pesos property kung saan nagkaroon lang naman siya ng higit sa 400,000 na komisyon.

Sa ngayon ay isa na rin si Jayson sa mga tulay para sa mga naghahanap ng trabaho dahil bumalik siya sa istasyon para hikayatin ang iba pa nating kababayan na gustong pasukin ang mundo ng sales.

Si Jasyon Encinares ang certified “may trabaho na” sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanapbuhay.

Facebook Comments