31-ANYOS NA LALAKI INARESTO SA SUAL DAHIL SA PAGLABAG SA BATAS SA COMPREHENSIVE LAW ON FIREARMS AND AMMUNITION

Timbog ang isang 31-anyos na lalaki ng Sual Municipal Police Station (MPS) kahapon sa bayan ng Sual dahil sa paglabag sa Section 28 (G) ng Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Kinilala ang suspek bilang isang vocational graduate na residente ng nasabing lugar.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na may itinakdang piyansa na ₱60,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa tamang dokumentasyon bago isailalim sa hurisdiksyon ng korte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments