31 bagong kaso ng Delta variant, naitala sa Western Visayas

Aabot sa 31 bagong kaso ng COVID-19 Delta variant ang naitala ng Department of Health (DOH) sa rehiyon ng Western Visayas nitong Biyernes.

Ayon sa DOH Western Visayas Center for Health Development, 19 dito ang nanggaling sa Antique, habang 7 sa Iloilo province, 3 sa Iloilo City, at 2 sa Capiz.

Ito ang resulta ng 99 na ipinadalang samples sa Philippine Genome Center (PGC) para sa genome sequencing noong Hulyo 23, 2021.


Dagdag pa ng DOH WV-CHD, may dalawang kaso ng Delta variant ang kanilang minomonitor na mga returning overseas Filipinos (ROFs) na may address sa Western Visayas.

Agad naman itong naipaalam sa mga Local Government Unit (LGU) na may kaso ng Delta variant sa kanilang lugar.

Inabisuhan na ng tanggapan ang lahat na LGUs na magsagawa ng close contact tracing at back tracing sa naitalang kaso ng Delta variant.

Facebook Comments