Umabot sa 31 na barangay ang naitala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na drug-cleared sa lalawigan ng Pangasinan.
Mula sa 1,271 na mga apektadong barangay ay nasa 1,030 na ang naideklarang drug-cleared mula Enero hanggang ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon kay Dexter Asayco, PDEA Provincial Chief halos walampung-isang porsyento na ang naidedeklarang drug-cleared na mga barangay sa Probinsiya. Dagdag pa nito apat na barangay ang naideklara ngayong buwan na drug-cleared, ito ay ang Brgy. Maya ng Infanta, San Andres at San Aurelio ng Balungao at San Jose sa bayan ng San Nicolas. -Gayon pa man, ang Alaminos city lamang ang natatanging siyudad na naidedeklarang drug-cleared ngayong taon.
Samantala, nananatili namang Drug-free town parin ang Bayan ng Sto. Tomas simula ng umpisahan ang kampanya kontra droga.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
31 Barangay sa Pangasinan idineklarang drug-cleared ng PDEA
Facebook Comments