31 BAYAN AT 4 NA LUNGSOD SA PANGASINAN, PINARANGALAN SA MAHUSAY NA PAGPAPATUPAD NG CHILD WELFARE PROGRAMS

Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region I ang 31 bayan at apat na lungsod sa Pangasinan matapos makamit ang “IDEAL” na antas sa 2025 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment.

Layunin ng pagsusuri na masukat ang pagiging epektibo ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang nagpoprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga bata.

Kinilala ng DILG ang mga LGU sa lalawigan dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga inisyatibang nakatuon sa child welfare at aktibong pakikilahok ng mga konseho sa mga adbokasiyang pangkabataan.

Bilang bahagi ng pagkilala, hinikayat din ng ahensya ang mga LGU na ipagpatuloy ang pagtataguyod ng ligtas at makataong kapaligiran para sa lahat ng kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments